KRIS copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon na lilipat ng tirahan si Kris Aquino at ang mga anak niyang sina Josh at Bimby. Titira pala siya sa uupahang condo unit na pag-aari ng isa sa Lopezes na hindi lang binanggit kung sino sa kanila.

‘Yung nasulat namin na titira rin ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby sa bahay ni PNoy sa Times Street, West Avenue ay, “Baka dadalaw-dalaw lang, hindi naman sila pupuwede roon,” sabi ni Boy Abunda.

Nakausap namin si Kuya Boy nang madalian nu’ng samahan namin si Sylvia Sanchez na mag-guest sa Tonight With Boy Abunda noong Huwebes ng gabi at inalam namin kung saan lilipat si Kris.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon kay Kuya Boy, “Lilipat siya sa tita (pangalan ng isa sa Lopezes), you know these are family friends.”

Sa madaling salita ay okay naman pala ang relasyon ni Kris at ng mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN.

At dahil kaharap na rin lang namin si Kuya Boy, hindi namin sinayang ang pagkakataon na humingi ng update tungkol sa usap-usapang paglipat ni Kris sa GMA-7.

“Naku, Reggs, wala pa akong masasabi at ito nga si Kris, ako pa ang itinuturo, tumawag daw sa kanya si Ricky Lo at nagtatanong ng update, sabi pa naman, ‘call Boy’.

“Kaya sabi ko kay Kris, ‘ano’ng sasabihin ko?’ Hindi ko naman itinatangging hindi kami nagkakausap, of course we talk almost everyday at marami siyang sinasabi sa akin, pero ano ba ang dapat kong sabihin?

“Inuulit ko ulit ‘yung sinabi ko sa ‘yo before, supporting aktor lang ako dito, hindi ako bida, kaya bakit ako magsasalita?

“Hindi ako makakapag-comment sa pinasok niya (business) with Mr. Tony Tuviera. Ako ay nahihiya dahil walang nagsasalita.

“Si Kris is not talking, si Tony is not talking, ABS-CBN is not saying anything. Why would I?

“Ang masasabi ko ay sila ay nag-usap siguro. I’m not privy to many things. Sa palagay ko sila ay nag-usap-usap. How extensive were the discussions, the dialogues hindi ko alam. Hindi siya nagpaalam, hindi naman kami naghiwalay,” diin ulit ng King of Talk.

Mananatiling si Kuya Boy pa rin ang namamahala sa mga endorsement ni Kris.

“Wala kaming pagbabago sa aming relasyon ni Kris, kami pa din. I still do her contracts, walang nababago,” pag-amin pa.

Basta ang klarung-klarong sabi ng host ng Tonight with Boy Abunda, “ABS-CBN and Kris were okay, maganda ang pag-uusap nila bago nakipag-usap si Kris kay Mr. Tony Tuviera.”

Matatandaang humingi ng mahabang bakasyon ang Queen of All Media sa Kapamilya Network para makapagpahinga dahil sa taas-baba niyang BP bukod pa na kailangan niyang asikasuhin din ang pamilya na kaagad naman siyang pinagbigyan.

For the record ay 22 years naging Kapamilya si Kris.