albert copy copy

LOVELESS si Yen Santos na ipinagdiinang hindi niya naging boyfriend si Aaron Villaflor at mas lalong hindi naman siya naging girlfriend ni Albert Martinez na ikinataka niya kung bakit naging isyu noong ginagawa nila ang seryeng All of Me.

“Hindi po kami naging ‘kami’ ni Aaron, honest po talaga,” paliwanag ni Yen. “Mas naging magkaibigan lang po kami.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nu’ng nanligaw siya sa akin, nailang po ako kaya hindi ko tuloy maiwasan. Mas okay po kaming magkaibigan, Tita Reggee.”

Baka may iba siyang gusto kaya hindi niya nabigyan ng pansin si Aaron?

“Wala po, mas okay po kasi kami na magkaibigan kaya sabi ko, ‘wag mo na akong ligawan, parang ganu’n po,” katwiran ng dalaga.

Bakit siya nali-link kay Albert?

“Kasi siguro po magkasama kami sa All of Me at ‘yung mga eksena namin, siguro po ‘yun ang magic no’n, na talagang naging komportable kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Yen.

Hindi ba naging realidad ang magic na iyon?

“Naku, hindi po, pero lahat po ng nakapanood ay nagsasabing, ‘parang totoo na ang mga halikan n’yo roon. Wala po talaga,” diin ng dalaga.

Hirit namin ulit, wala ba siyang naramdaman sa mga halik ni Albert?

“Wala po talaga, baka iba po ang magparamdam,” sabay tawa ni Yen na ang tinutukoy ay ang yumaong asawa ni Albert na si Liezl Sumilang-Martinez. “Baka bigla akong kalabitin,” dagdag pa niya.

Komportable ba si Yen na katrabaho o ka-partner ang lalaking mas may edad sa kanya?

“Hindi ko po alam, pero bago po kasi kami nag-umpisa ni Tito A (Albert) ay nag-workshop muna kami kaya siguro po walang ilangan. Kami naman ni Papa P wala kahit ano bago kami mag-shoot. Kaya ako, ilang na ilang ako at nai-starstruck ako dahil siyempre Piolo Pascual ‘yun,” esplika ng aktres.

Ginagawa nila ang Once In A Lifetime under Regal Entertainment, Spring Films at Star Cinema na wala pang playdate.

“Magre-resume pa po kami ng shooting pagdating ni Papa P from New York. Di ba, kasama siya sa ASAP?” ani Yen.

May posibilidad ba na magkagusto siya sa mas may edad sa kanya? “Nagka-crush naman ako kay Tito A. Para sa akin, hindi naman ‘yan sa edad o look, basta ‘yung personality ng tao. Sabi nga niya (Albert), kapag may mga ganyang eksena (sensual), allow yourself to fall, after ng scene, wala na,” kuwento pa ni Yen.

Dagdag pa ng dalaga, “hindi nga po namin alam ang (phone) number sa isa’t isa.”

Inamin ni Yen na may mga nagpaparamdam sa kanya para manligaw pero hindi niya masyadong pinapansin. Ang gusto kasi niya, kapag may sinagot na siya ay iyon na ang makakatuluyan niya. Nadala na raw siya sa tatlong naging boyfriend niya na siya ang sobrang nasaktan sa huli, at nalampasan na niya ang mga iyon.

Siyempre, nahulaan kung sino ang huling boyfriend ni Yen, si Jason Abalos na ex-PBB housemate uli ang karelasyon ngayon, si Vickie Rushton.

Hmmm, mahilig itong si Jason sa beauties galing sa Bahay ni Kuya, ha?

Ang hinahanap na ngayon ni Yen ay lalaking marunong makisama sa pamilya niya o uunahing mahalin ang pamilya niya bago siya dahil dito raw malalaman kung seryoso ang guy.

“Kung mahal ako, dapat mas mamahalin ang pamilya ko, may respeto, mabait, kaya akong buhayin,” sabi ng aktres.

Dati raw kasi ay bata pa naman si Yen kaya hindi pa legal sa pamilya kaya hindi boto sa tatlong naging boyfriend ng dalaga. (reggee bonoan)