NAKITA n’yo na sila sa inyong social media feeds — mga online celebrities na karapat-dapat sa kanilang tinamong milyun-milyong views, comments, shares at likes. Nakiindak tayo sa pinauso nilang dance craze at humagalpak sa nakakatuwa nilang memes. Hinangaan ang kanilang itsura, talento at paulit-ulit na sinubaybayan ang kanilang bawat bagong post.

 

At ngayon, mapapanood na sila sa isang kakaibang showdown. Paglalaban-labanin sila sa tagisan ng Internet sensation.

Sino kaya ang pinaka-like ng taumbayan?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Inihahandog ng GMA Public Affairs ang #Like, ang pinakabagong talent reality show na pangungunahan ng “crush at like ng bayan” na si Tom Rodriguez.

 

Kada episode ay magtatagisan sa isang showdown ang mga online sensation, mapa-indibidwal man o grupo, para malaman kung sino ang pinaka-hashtag like sa kanila ang talento. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang sila makikita sa mobile screen, hindi rin sa studio, pero sa inyo mismong mga barangay.

 

At ang magsisilbing hurado, ang Taumbayan Likers na bubuuin ng 100 miyembro mula sa barangay na pagtatanghalan ng showdown. Ang performance na makakatanggap ng pinakamaraming “likes” mula sa Taumbayan Likers ang siyang mananalo!

Hashtag excited na ba kayo?

 

Makakasama ni Tom sa magaganap na labanan sa barangay ang Internet sensation na si Balang na sumikat dahil sa kanyang dance videos at makailang ulit nang nag-guest sa Ellen DeGeneres Show sa Amerika.

 

#LIKE Tagisan ng Internet Sensations ay mapapanood na simula ngayong Sabado, September 3 pagkatapos ng Eat Bulaga.