Base sa report ng Southern Police District (SPD) Crime Laboratory, nagpositibo sa paraffin test ang mga kamay ng napatay na pedicab driver matapos barilin ng tatlong tauhan ng Pasay City Police kahapon.

Kinumpirma ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, na nagpositibo sa naturang test si Eric Sison, 22, ng No. 1696 F. Muñoz Street, Barangay 43, Zone 6 ng nasabing lungsod.

Gayunman, nanindigan si Rachel Bermoy, kinakasama ni Sison, na walang pag-aaring baril ang biktima at determinado ang ginang na ipaglaban ang hustisya.

Pansamantala namang inilipat sa SPD headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City ang tatlong sinibak na pulis na sina PO1 Benigno Baladjay, PO1 Jan Erwin Isaac, at PO1 Melford Olorosisimo, pawang mga tauhan ng Buendia Police Community Precinct (PCP-2).

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Dahil sa insidente, kasamang nasibak ang commander ng PCP 2 na si Chief Insp. Oscar Pagulayan na isinailalim sa restrictive custody sa SPD habang isinasagawa ang imbestigasyon. (Bella Gamotea)