Kris copy copy

SERYOSOHAN na ngang talaga ang pagpasok ni Kris Aquino sa business sector. At kapansin-pansin na concentrated sa food industry ang investments niya.

Well, baka naman may inilalagay din siya sa ibang industriya na hindi lang niya isinasapubliko. 

Ang latest, nalaman namin sa isa sa mga post niya sa Instagram (IG) na kasosyo rin pala siya sa Maisen Japanese Restaurant na nasa SM Megamall. Nabanggit niya na nag-lunch sila ng kanyang trusted assistant na si Alvin Gagui sa resto ng pinsan niya. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I’m a happy investor, thanks @bcbench for letting me partner,” post ni Kris.

Bago ang Maisen resto, tuluy-tuloy ang expansion ng kanyang Potato Corner + Bimby Nacho bukod pa sa kanyang franchise sa Chow King, Mang Inasal at Jollibee.

Samantala, tuloy ang pagtira nina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby sa condo habang hindi pa sila makakalipat sa ipinapagawang bahay. 

Sa isa pang post ni Kris sa IG, sinabi niyang within 10 days, lilipat na sila sa condo (wala pang nakakaalam kung saan) at busy siya sa paghahanap ng furniture na babagay sa lilipatang unit.

Mukhang magtatagal ang paninirahan ni Kris at ng dalawang anak sa condo dahil nine months pa bago matapos ang ipinapatayong bahay. So, next year pa sila makakalipat sa bago nilang bahay na mas malaki kesa naibenta niyang bahay sa Green Meadows. (Nitz Miralles)