Hindi na maipa-practice ng isang hukom ang kanyang propesyon matapos idisbar ng Korte Suprema dahil sa pagkakasal nito sa isang couple nang walang pinanghahawakang lisensya.

Ayon kay SC spokesperson Theodore Te, napatunayang umabuso sa tungkulin si Rosabella Tormis, dating judge ng Cebu City Municipal Trial Court in Cities (MTCC), Branch 4.

“This misconduct, though committed when she was a judge, tainted her qualifications to remain a lawyer,” ayon sa SC.

Tinukoy ng SC sa paglabag ni Tormis ang ginawang “repetitive acts of solemnizing marriages without a license.” Ito umano ay kawalan ng respeto sa batas at kawalan ng good character.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ang disbarment ni Tormis ay naisakatuparan, tatlong taon na ang nakalipas matapos itong idismis ng SC sa serbisyo, kasama ang tatlo pang Cebu judge dahil rin sa kaparehong paglabag. (Beth Camia)