Sa kabila ng mga protesta, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang road clearing operations ng Manila City government laban sa illegal vendors sa lungsod.

Kahapon ng umaga, aabot sa 100 illegal vendor sa MV Delos Santos Street, sa pagitan ng Ylaya at Sto. Cristo St., Binondo, Maynila ang itinaboy ng mga tauhan ng Task Force Manila Cleanup, alinsunod na rin sa utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ayon kay Estrada, patuloy pa rin niyang ipatutupad ang “zero vending policy” upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa lungsod.

“Hindi, hindi na talaga puwede,” ani Estrada, isang araw matapos ang kilos-protesta ng mga vendor na naapektuhan ng isinasagawang road clearing operations.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

“Hinding-hindi na natin sila pagbibigyan at isakripisyo ang kaligtasan at kaginhawahan ng libu-libong motorista at mananakay na araw-araw ay sumasabak sa matinding trapik at kaguluhan sa ating mga kalsada,” dagdag pa ni Estrada.

(Mary Ann Santiago)