Ruru copy copy

INIINDA pa rin ni Ruru Madrid ang pananakit ng mga binti at katawan dahil sa fight scenes na ginagawa niya sa Encantadia. Nang makausap namin ang actor sa pa-birthday presscon ng APT Entertainment at GMA-7 para sa isang taong anibersaryo ng Sunday Pinasaya na isa siya sa regular hosts, hinawakan pa niya ang mga binti at katawan na apektado.

“Sa fight scene ko kasi, marami akong eksenang sumisipa, kaya nananakit ang mga binti ko. ‘Tapos sa eksenang nahulog ako sa bangin, talagang nahulog ako at mataas ang binagsakan ko. Nadala yata si Pancho Magno sa eksena, totohanan niya akong nasipa na wala pa akong harness. Nakalimutan niyang wala pa akong harness, bigla niya akong sinipa.

Bumagsak ako sa sahig at nanakit ang katawan ko. Ayaw ko kasing pa-double kung kaya ko naman. ‘Yun nga lang, wala pa akong harness sa eksena namin ni Pancho,” kuwento ni Ruru.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Kinagalitan daw ni Direk Mark Reyes si Pancho na nag-sorry naman sa kanya. Marami pang gagawing fight scene si Ruru sa Encantadia, kaya inihahanda na niya ang katawan dahil ayaw pa rin niyang magpa-double.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Ruru sa SPS family na isinama sila ni Gabbi Garcia bilang regular sa show.

Sigurado na ring may special number sila sa two-part special ng show sa Setyembre 4 and 11 to celebrate its first anniversary.

“Natutuwa kami ni Gabbi na kinuha kaming regular ng show dahil hindi lahat ng artista ng GMA-7 ay nabigyan ng chance na mapasama sa SPS. Nakakatuwa dahil nakakakanta ako, nakakapagsayaw at nagko-comedy din. Nagulat nga ako sa na-discover kong kaya ko palang mag-comedy,” pagtatapos ni Ruru. (NITZ MIRALLES)