TINANONG sa grand presscon ng Till I Met You sina James Reid at Nadine Lustre kung ano ang updates ngayong anim na buwan na silang magkarelasyon at kung may bago ba silang nadiskubre sa isa’t isa habang nasa Greece sila.

“Well, I mean not because of this show, but every day I think I’m more in love with her,” diretsong sagot ni James.

“But it definitely helps ‘yung mga romantic scenes. We’re lucky that we get to do that for work.

“You know, other couples they do that in their spare time to go on finding the sunset and everything which is romantic, but we get to do that for work. And we’re so lucky.’

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman kay Nadine, “At saka ang tagal na nga rin po kasi naming magkakilala, so parang naging intimate na lang noong nag-aminan. Pero even before naman talaga nai-enjoy na po namin ‘yung company ng isa’t isa.”

Wala na raw siyang bagong nadidiskubre kay James.

“At sa every day magkasama po kami halos, so wala po talaga, parang lahat po alam ko na,” saad ng dalaga.

Sa Greece sila inabot ng kanilang 6th monthsary, paano sila nag-celebrate?

“Actually, we were working then in different locations,” sagot ni James.

“Two units po kasi kami nu’ng time na ‘yon, so magkahiwalay po kami,” sagot naman ni Nadine.

“But then, okey lang, kasi it’s a new experience na nandoon din kami kung saan namin gusto. I mean, Greece is one of our dream destinations po talaga. Masaya naman po,” salo ng binata.

May dinner date ba sila pagkatapos ng trabaho?

“Palagi naman po,” mabilis na sabi ni Nadine. “Kahit hindi po noong monthsary namin, as in ‘pag may time. Kasi usually po day effect lang po kami, so ‘pag dinner na humihiwalay ‘yung iba, gustong puntahan itong restaurant na ito lalo na po sa Santorini. So, may time naman po kami together.”

May regalo ba sila sa isa’t isa?

“Monthsary? No!“ sagot ni James.

“No, I mean, basta magkasama po kami, we’re okay,” sabi naman ni Nadine.

Naging paboritong lugar daw ng JaDine sa Greece ang, “Oia in Santorini. Parang ‘yung nakikita sa postcard, ‘yung may cliff ‘tapos may blue and white houses, buildings. It’s so beautiful,” sabi ni James. (Reggee Bonoan)