SA presscon ng Till I Met You, may hangover pa rin sina James Reid at Nadine Lustre sa unforgettable moments nila sa Greece.

“Pinaka-most memorable ko po ay ‘yung last taping day namin sa Santorini,” kuwento ni Nadine. “‘Yun po ‘yung time na patapos na kami, ‘tapos po nanood kami ng sunset. ‘Tapos, parang sobrang sarap lang po ng pakiramdam na parang ‘guys, we did it!’ Natapos po namin, nagawa po namin lahat ng eksena. Parang time na to relax, ‘tapos pinanood lang namin ‘yung sunset, lahat po kaming naiwan do’n.

“Ang ganda po talaga, iba po talaga. ‘Tapos ‘pag lalabas na po ‘yung moon, ang laki ng moon, para siyang cheese. Ang laki kasi. Basta, ang ganda po. Ibang klase po talaga do’n. Kaya naman pala parang sinasamba ng mga Greek ‘yung sun and moon na parang mga gods. Ibang klase po talaga, ang ganda po talaga,” paglalarawan pa ni Nadine.

“’Yung sunset din po,” pagsang-ayon ni James sa girlfriend. “When it sets, parang sobrang mabagal at may kasamang applause from everyone. It’s an unforgetabble experience. It’s supposed to be like thanking the sun, something like that.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pawang tourist spots ang pinagsyutingan ng Till I Met You, sa Athens, Greece at Mykonos na ayon sa lahat ng cast, production and crew na nagtungo roon ay super unforgettable. (REGGEE BONOAN)