POKWANG ZOREN ANGEL CARMINA DIREK TONET AT DIREK   ANDOY copy

PURING-PURI nina Zoren Legaspi,Carmina Villaroel, Angel Aquino atPokwang sina James Reid at Nadine Lustre nang humarap sila sa grand presscon ng Till I Met You sa Le Reve Events Place nitong nakaraang Linggo ng hapon. Napaka-professional daw. 

Nalaman din tuloy na fan din pala sila ng JaDine simula pa lang sa On The Wings of Love.

Kanya-kanyang kuwento sina Pokwang, Angel, at Carmina habang ipinapalabas pa ang OTWOL ay hoping na silang mapasama sa susunod na teleserye ng dalawa dahil.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

“Nu’ng nalaman ko na makakatrabaho ko sila, I’m so super-excited,” pag-amin ni Carmina. “I’ve worked with Nadine pero sa commercial lang, pero ‘yung silang dalawa, sobrang thrilled, sobrang thankful at sobrang happy kasi siyempre kasi nu’ng napanood ko sa OTWOL, ‘di ba, super popular, super famous and yet they’re so humble. 

“Ang gusto ko sa kanila ay bumabati sila, very respectful, they’re very dedicated sa kanilang mga trabaho kahit na nakita mong inaantok na, sasabihin lang nila, ‘ate inaantok na ako, pero hindi sila nagrereklamo at tao lang din sila. They’re very hardworking kaya kung nasaan man sila ngayon, deserved nila.”

Dagdag pa ni Carmina, “Maraming kissing scene rito, maraming pa-abs.”

“First time ko kasing makatrabaho ang isang love team,” kuwento naman ni Pokie, “nu’ng nakaraang show naman ay walang love team-love team na ganito. In fact, sila (JaDine) ang excited na makatrabaho ako. Bakit ‘ka n’yo? Tinatanggal ko ang antok nila sa set, eh. Sa umaga ang pangalan ko ‘Agnes’ sa gabi, ‘Agnas’ na, pero nagtatawanan pa rin kami sa set. Sabi nga ni Mina, tao lang din sila na nakikita mong pagod na, pero kapag napapatawa mo sila ay nawawala na rin ang pagod namin.”

“Nu’ng napanood ko nga ang OTWOL, I was a big fan,” sabi naman ni Angel. gusto ko talaga silang makasama in person and I’m very happy happy talaga. There was a time na I saw them in an event, starstruck ako, cute na cute kasi ako sa kanila, I find them so cute. One without the other, well individually, they’re great people and I love them as actors, pero together talaga, iba ‘yung magic ng JaDine talaga, I don’t know why. But when you see them talaga in person, when they’re looking each other, wala na parang matutunaw ka na lang talaga. Saka ang galing talaga ni Direk (Tonet Jadaone) magpakilig, grabe, ‘yung mga close-ups, mga mata, wala na, you’re taken na.”