Dennis Trillo - Juan copy

NALULUNGKOT si Dennis Trillo na matatapos na ang Juan Happy Love Story na pinagbibidahan nila ni Heart Evangelista.

“Nakakalungkot, nakakabigla na naka-sixteen weeks na pala kami,” sabi ni Dennis. “One last taping daw na lamang at finale na namin sa Friday, September 2. Naiiba kasi ang story nitong JHLS dahil first time din namin ni Heart na nag-comedy. Ako, iba naman ang ipinakita ko rito bilang isang lalaking mahilig sa chicks, nang magkaasawa, ang mga mali niyang ginagawa, madali niyang inaamin. Iyon ang maganda sa story namin, anumang pagkakamali ng lead characters, itinatama agad sa eksena.”

Ganoon din ba siya off-camera? Halimbawa, sila ni Jennylyn Mercado, kung may konting tampuhan, madali ba nilang naaayos?

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Ma-sorry akong tao, ayaw ko na may nasasaktan ako, kaya kung meron mang konting ‘di pagkakaintindihan, aayusin namin agad. Depende rin kung sino may kasalanan na siyang unang babati. Pero kung hindi siya talaga willing makipagbati, ako na unang bumabati. Hindi na kami mga bata.”

Pero paano niya nabibigyan ng time si Jennylyn kung tulad ngayon na very busy siya dahil may ginagawa pa siyang movie bukod sa JHLS?

“Time management lang, kailangang humanap ako ng oras para magkasama kami, maliban na lang kung siya rin ay very busy ang schedule.”

Wala pang susunod na project si Dennis kaya may nagtanong sa kanya kung papayag siyang sila ni Jennylyn ang magtambal sa Pinoy adaptation ng koreanovelang My Love From The Stars?

“Depende siguro. Kasi gusto ko munang mag-concentrate ngayon sa paggawa ng movies. Tinatapos ko pa itong Bakit Lahat ng Guwapo May Girlfriend with Anne Curtis sa Viva Films. Rest muna ako dahil hindi rin kami matutuloy sa heartthrob concert namin sa New York. Kaya kung tatanggap ako ng bagong soap, by January, 2017 na siguro iyon.”

Ano ang mami-miss niya kay Heart ngayong tapos na ang taping nila?

“Mami-miss ko iyong sweetness niya sa set, masayahin siya kaya masaya rin kami, kahit pagod na siya sa mga eksena, naka-smile pa rin siya.” (Nora Calderon)