Angel copy

MULING nakitang magkasama si Angel Locsin at ang nali-link sa kanya ngayon na si Niño Barbers sa premiere night ng Camp Sawi. Nangangahulugan lang na off-cam, tiyak na mas madalas silang magkasama.

In fairness, hindi sila umiwas sa press/photographers at fans.

Marami ang nagpa-picture kay Niño, may kumuha pa ng video nito at may nag-interview pang fans. Hindi na rin umiwas si Angel nang harangin siya ng fans para makipagpa-picture sa kanya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kahulugan ng kalimitang salita sa Senate at Congress hearing

Unang nakita sina Angel at Niño sa screening ng I America sa Cultural Center of the Philippines, hindi rin sila umiwas sa reporters at fans. Pero nang may mag-post ng picture nila, nakiusap si Angel na tigilan ang pagli-link sa kanila ng lalake dahil nakakahiya raw.

Anyway, matutuwa si Angel dahil marami ang pabor na maging boyfriend niya si Niño dahil mukha raw mabait, manly at tipong hindi siya sasaktan. May nag-comment pang upgrade si Niño kay Luis Manzano.

Aprub sa fans ni Angel sakaling maging boyfriend niya si Niño na galing sa political family. Anak siya ni former Sen. Robert Barbers at kapatid ni Cong. Ace Barbers. (Nitz Miralles)