Maja copy

GUSTO namin ang deadma attitude ni Maja Salvador sa pagkaka-link kay John Lloyd Cruz dahil lang twice na silang nakitang magkasama. Hindi takot ma-bash si Maja ‘pag nagpo-post ang aktres ng picture nila ng aktor.

Para bang gustong sabihin ni Maja sa bashers niya na “keber ko sa inyo, basta wala kaming ginagawang masama, wala kaming sinasaktan at masaya kami bilang magkaibigan.” Attitude girl, go, go, go!

Unang nakitang magkasama sina Maja at John Lloyd nang manood ng How To Be Yours na bida ang ex-boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson at ang favorite love team ni John Lloyd na si Bea Alonzo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nasundan ang paglabas ng dalawa nang maimbita sila sa Kadayawan Festival sa Davao at dahil iisa ang kanilang handler, madaling nagawan ng paraan para mag-swak ang kanilang schedule. Nakapag-side trip sina John Lloyd at Maja sa Pearl Farm.

Sa picture na ipinost ni Maja na magkatabi silang nakaupo ni John Lloyd sa boat, ang caption ni Maja ay “nakaka Hollywood #Pagbigyan #MSescapade #GoodbyeItay #HelloLloydy.” (NITZ MIRALLES)