HINDI na kataka-taka ang singing prowess ni Rita Daniela, napatunayan na niya ito nang siya ang manalo sa season one ng Popstar Kids noong 2005. At bilang aktres, successful siya sa pagiging kontrabida at pagtataray sa mga bida.
Ang kaabangang-abang, ayon kay Rita, ay ang kanyang surprising performances sa pinakabagong singing competition na Superstar Duets.
“Different Rita na ‘to. Ako ito talaga, ito talaga yung personality ko. Hindi na siya ‘yung Popstar Kid na sinasabi nila before. Humanda kayo sa sorpresa ko,” kuwento ng dalagita.
Maiuwi kayang muli ni Rita ang titulo sa Superstar Duets na magsisimula nang umere ngayong Setyembre sa GMA-7?
Isa sa mga makakatunggali ni Rita si Osang, ang isa sa pinakaboritong stand-up comedians sa comedy bars around the metro. Needless to say, hindi nagsasawa ang mga manonood sa performances niya onstage, kaya dinudumog ang kanyang show saan man siya magpunta.
Sa Superstars Duet, susubukan ni Osang na magpakitang-gilas sa Kapuso viewers. Mapataob kaya ni Osang sa kantahan ang kanyang mga kalaban na kinabibilangan nina Rita at Denise Barbacena?
Ayon kay Denise, kabaligtaran ng personality niya ang kanyang role bilang si Kaycee Molina sa A1 Ko Sa ’Yo. Kung laging sablay si Kaycee, sinisigurado naman ni Denise lagi siyang wagi anuman ang kanyang gawin. Determinado at palaban, walang hindi kayang gawin si Denise. Napatunayan niya na hindi lang siya marunong kumanta simula nang sumali siya sa Protégé: The Battle for The Big Break. Kaya rin niyang mag-comedy, katunayan ay regular na siya sa Bubble Gang.
Abangan ngayong Setyembre ang tunggalian nina Rita, Osang, Denise at iba pa sa pinakabagong GMA celebrity competition na Superstar Duets.
[gallery ids="190929,190928"]