Angel-Locsin-and-Sam-Milby copy

MARAMI ang nagtataka kung bakit si Angel Locsin ang kasama ni Sam Milby sa premiere night ng Camp Sawi ng Viva Films at N2Productions.

Itinanong sa amin ng mga nakakita, at nasulat na rin sa online news, kung bakit panay daw ang yakap ni Angel kay Sam.

Kaya tinanong namin ang dalaga tungkol dito.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Ha-ha-ha, isang beses lang naman! Nu’ng nagbeso-beso lang, may girlfriend ‘yun, ate. Saka isa siya sa mga best friends ko sa showbiz,” natatawang sabi ng ni Angel.

Oo nga naman, marami ang nagtaka kung bakit nga ba kasi siya ang kasama ni Samuel Lloyd at hindi ang girlfriend nitong si Mari Jasmine Jones?

Tinanong kami ni Angel kung paano raw ang pagkakasulat.

“Anong sabi? I think nakunan naman ‘yun ng video kasi may nakita ako online, parang yakap na hello at congrats lang ‘yun,” sabi ng dalaga.

Sa mga hindi nakakaalam, matagal nang close sina Angel at Sam dahil ilang beses na silang nagkasama sa projects, sa Pinoy version ng koreanovelang Only You (2009) at sa Maalaala Mo Kaya (2007). May tawag na nga rin sa love team, ang SamGel.

Magkasama uli sila ngayon sa pelikulang Third Party ng Star Cinema kasama si Zanjoe Marudo mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

“Hindi ako naghahanap ng boyfriend, ate,” sabi pa ni Angel. “Enjoy ako ngayon bilang single, chill lang.”

O, hayan sa mga puna nang puna kay Angel, ‘chill lang kayo.’ (Reggee Bonoan)