ATOM copy

ISA si Atom Araullo sa sinasabing susunod na pambato sa pagbabalita ng ABS-CBN news department. Pero nag-resign na pala siya sa Dos bilang field reporter.

Iniwan na ni Atom ang trabaho niya bilang reporter ng Kapamilya Network, kaya tinapos na niya ang ilang taon na ring pagiging empleyado nito. Binanggit ng source namin na may matinding dahilan daw ang pagri-resign ni Atom, na saka na lang daw niya isisiwalat sa amin.

Ayon pa sa source namin, may kontrata pa rin si Atom sa dalawang ABS-CBN shows na maaaring tinatapos na lang ng network ang natitirang buwan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya kahit kusang umalis sa Dos bilang reporter at empleyado ay tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host ni Atom sa Umagang Kay Ganda at sa programang Red Alert.

Isa sa mga sikat pero nagpapaka-low profile na Kapamilya host si Atom Araullo kaya ayaw nitong magsalita tungkol sa naging dahilan ng pagri-resign niya.

Sa ngayon, bukod sa hosting sa dalawang show ay inaasikaso ni Atom ang dalawang libro na gusto niyang mailathala na sa lalong madaling panahon. (JIMI ESCALA)