Nadaplisan ng bala ang isang lady guard nang aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang baril habang binubusisi sa gate ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang hita ang biktimang si Eden Bernabe, 23, lady guard ng Locked Guard Agency, na nakatalaga sa PPA, at residente ng 355 Valencia Street, Tondo.

Sa ulat ni Police Supt. Arnold Thomas Ibay, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 2, nabatid na naka-duty sa gate ng PPA sa Pier 8, Tondo, si Bernabe nang maisipan nitong busisiin ang kanyang Armscor .9mm, may serial number na 1174869, at aksidenteng pumutok.

Kasalukuyang nagpapagaling si Bernabe sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. (Mary Ann Santiago)

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin