MAGBABALIK si Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya bilang konteserang lalaban sa iba’t ibang beauty pageants para sa pangarap at pamilya ngayong Sabado.
Handa nang tumapak si Jeany sa kolehiyo nang biglang masunog ang karinderya ng kanyang inang si Maria (Sylvia Sanchez) na siyang pinagkukuhanan nito ng panustos sa kanya. Dahil sa kawalan ng pera, naisip ni Jeany na sumali sa beauty pageants. Nag-aalangan siya noong una hanggang sa natutuhan na rin niya itong mahalin dala ng premyong naiuuwi niya.
Malayo na ang narating ni Jeany sa kanyang pagiging kontesera nang madiskubre niya ang mga lihim na hahamon sa kanya.
Makakasama nina Kim at Sylvia sa upcoming episode ng MMK sina Jong Cuenco, Johan Santos, at Lassy Marquez. Ang episode ay mula sa panulat nina Jaymar Santos Castro at direksiyon ni Dado Lumibao.