Judy Ann copy copy

NAKAKAALIW ang sagot ni Judy Ann Santos sa basher na pinakialaman ang kanyang timbang. 

Nag-post kasi si Judy Ann ng salad sa Instagram (IG) at nilagyan ng caption na, “My very own personalized meal from aivee cafe. #greensaladwithhainanesechicken #mangopestoshake.”

May basher na nakialam at nag-comment ng, “Akala ko ba nagda-diet ka? Ba’t sobrang taba mo pa rin?”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumagot si Judy Ann ng, “Hi! Naku sorry... Affected ka ba na mataba pa rin ako? Pasensiya na hindi ko kasi alam na nagmomonitor ka pala. Di bale... pag pumayat ako ikaw unang itatag ko, ah, para mabawasan bigat ng dibdib mo.”

Hayun, pinagtulungan ng fans ni Judy Ann ang basher na hindi na nakahirit at nanahimik na lang. 

Idinepensa rin si Judy Ann ng followers niya na hindi magiging mabilis ang pagpayat ng aktres kahit nagwu-workout siya dahil dumaan siya sa caesarean operation at nagpapa-breastfeed sa bunsong anak.

Ang latest, deactivated na ang IG ng basher, “user not found” na ang status ng IG account nito. Hindi nakayanan ang sagot ni Judy Ann at ang resbak ng fans/followers ng aktres. (Nitz Miralles)