Agosto 26, 1980 nang isilang si Macaulay Culkin, isang aktor na nakilala sa kanyang mga ginampanang papel noong siya’y bata pa.
Maraming natutunan si Culkin kaugnay sa pagtatanghal, at nagsanay sa Blanchine’s School of the American Ballet.
Nagsimula siyang umarte sa theater shows sa edad na 4, at ang una niyang palabas sa telebisyon ay sa “Rocket Gibraltar” noong 1988. Una siyang naging bida sa pelikulang “Home Alone”.
Ang kanyang ama na si Kit ang nagsilbi niyang manager sa show business, at naging highest-paid child star noong 1994.
Ngunit pansamantala niyang nilisan ang pag-arte matapos magkaroon ng negatibong resulta ang mga huli niyang pelikula, hanggang sa muling bumida sa pelikulang “Party Monster” noong 2003.
Taong 1998, pinakasalan ni Culkin si Rachel Miner, isang aktres. Ngunit sila ay naghiwalay makalipas ang dalawang taon.