MAGTUTUNGO ang mga Royal sa North America! Tatawid sa kabilang lupain sina Kate Middleton at Prince William para sa kanilang opisyal na Royal Tour of Canada sa huling linggo ng Setyembre, sabi ng Kensington Palace sa ET sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

Ang pagdalaw ng Duke at Duchess of Cambridge sa British Columbia at Yukon, Canada ay magsisimula sa Setyembre 24.

Magto-tour din sila sa Vancouver, Victoria, Bella Bella, Haida Gwaii, at Kelowna sa British Columbia, at Whitehorse at Carcross sa Yukon.

Hindi pa kinukumpirma ng Palasyo kung kasama sa tour ng couple ang kanilang mga anak na sina Prince George at Princess Charlotte.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinamahan ni George, na 3 years old na ngayon, ang kanyang mga magulang nang mag-tour sa Australia at New Zealand noong 2014, ngunit hindi na isinama nang magtungo naman ang couple sa India at Bhutan nitong nakaraang Abril.

Si Queen Elizabeth II ang nananatiling reigning monarch ng Canada na nagsimula noong 1952. (ET Online)