MAXENE copy copy

PAREHONG nagmula sa GMA Network ang magkakapatid na Maxene at Elmo Magalona na nang magkasunod na lumipat sa ABS-CBN ay mas napansin at nabigyan ng mas magandang oportunidad. Isa sa main contravida ngayon sa top rating afternoon soap na Doble Kara si Maxene at leading man naman ni Janella Salvador sa Born For You sa primetime si Elmo.

Ang bati namin kay Maxene, nang magkaroon ng set visit sa Doble Kara last Thursday, pang-leading man agad ang kapatid niya samantalang nalilinya na yata siya sa contravida roles.

“Ako naman, basta happiness ng mga kapatid ko and whatever makes them happy, okey ako. Sa family namin, ang rule namin is, ‘If it’s good for you, if it’s good for our family, and it makes you better, if it makes you a better person, then go for it.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I’m so happy for him. You know, the success of my family is something so rewarding for me na makita na nagbu-bloom ang mga kapatid ko.”

“And ito si Elmo, he’s only 22 pero he’s experiencing so much. Sabi ko sa kanya, simula pa lang ‘yan and you’ll experience so much more,” masayang sabi ni Maxene sa amin.

Agad isinunod ng dalaga ang pakiusap na sana raw ay iwasan naming intrigahin pa silang magkakapatid dahil wala raw naman silang sibling rivalry at maling-mali ang inaakala ng iba.

Dagdag na kuwento pa ng magandang 30 year-old actress, sa ngayon ay bibihira na silang magkita ni Elmo dahil iba ang tinitirhan niya ngayon. Kaya kapag magkakasama silang magkakapatid, quality time na walang mga kanegahang pag-uusap ang gusto niya.

Ipinaliwanag din sa amin ni Maxene na bagamat may kontrabida ang papel niya sa Doble Kara ay may magagandang aral naman itong inihahahatid sa televiewers. (JIMI ESCALA)