ALDEN copy copy

WALANG kapaguran si Alden Richards sa pag-akyat sa stage ng Grand Ballroom ng Crowne Plaza Hotel para tanggapin ang awards nila ng better half niya sa AlDub love team na si Maine Mendoza.

Wala kasi si Maine, kasalukuyang nagbabakasyon sa Los Angeles, California para manood din ng concert ni Adelle at ng British rock band na Coldplay.

Tatlong top awards ang nakuha ng AlDub, ang TV Stars of the Year, Newsmaker of the Year, at Celebrity Pair of the Year.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May solo awards din silang natanggap at lahat ng mga ito ay tinanggap ni Alden, bukod pa sa umakyat din siya, kasama ng Dabarkads ng Eat Bulaga as Variety/Game Show of the Year at hosts ng Sunday Pinasaya na napili namang Comedy Show of the Year.

May dalawang category ang PEP List 3, ang Editor’s Choice na ang pumili ay Pep editors at ang Pepster’s Choice na pinili ang winners sa pamamagitan ng online voting ng Pep readers. Lahat ng mga boto ay in-audit ng Punongbayan & Araullo, isang independent auditing firm.

Maraming Kapuso at Kapamilya stars na present na dumaan sa red carpet sa lobby ng Crowne Plaza, papunta sa Grand Ballroom. Hosted by Mikael Daez at Jasmine Curtis Smith, naging mabilis ang pacing ng awards night. Wala man si Maine Mendoza, nagpasalamat naman siya sa pamamagitan ng video greetings, habang sakay na siya ng flight niya to Los Angeles.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng awards na natanggap niya at ni Maine sa Pep, sa GMA Network, sa Eat Bulaga at sa AlDub Nation na hindi pa rin kumukupas ang kasipagan sa pagboto. Last Saturday, nag-celebrate din sila ng one year na bumuboto araw-araw sa daily hashtag nila na one million or more tweets for 24 hours.

Pero ang pinag-uusapan ngayon ay ang sinabi ni Alden nang tanggapin niya ang Male TV Star of the Year na, “Para sa iyo, Ma…” Tanong ng fans, sino raw ang “Ma” na tinutukoy ni Alden, ang kanyang ina, na naging inspirasyon niya para pasukin ang showbiz, o si Maine na naging inspirasyon din niya sa patuloy na tagumpay nilang dalawa?

Narito ang awards na natanggap nina Alden at Maine:

Editor’s Choice:

Male TV Star of the Year – Alden Richards

Female TV Star of the Year – Maine Mendoza

Female Breakout Star of the Year – Maine Mendoza

Best Peptalk Episode for 2015 – Alden Richards

Pepster’s Choice:

Newsmaker of the Year – AlDub

Celebrity Pair of the Year – Alden Richards & Maine Mendoza

Special Award: Stylish Star of the Night – Alden Richards