Apat na armado, hinihinalang mga drug pusher, ang napatay matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa inisyal na ulat ni Police Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Raffy Gabo, 23, ng Area B, Bgy. Payatas; Marcelo Daa Jr., 31 at Anthony Camacho, 36, pawang residente ng Group B, Bgy. Payatas, habang sugatan naman ang kasamahan nilang si Efren Morillo na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Dakong 3:40 ng hapon kamakalawa nang ikasa ng QCPD PS 6 ang anti-drug operation, ngunit sa halip umanong sumuko ay pinagbabaril ng mga suspek ang mga pulis na naging alisto at hindi na nagdalawang-isip na pagbabarilin ang mga suspek na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Napag-alaman na nasa watch list ng PNP ang apat na suspek. (Jun Fabon)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20