Makikipagpulong ngayong linggo ang Philippine Sports Commission (PSC) sa ilang kilalang sports personality para sa isasagawang National Sports Consultative Meeting sa Setyembre para itakda ang direksiyon ng sports sa bansa sa susunod na anim na taon.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na pupulungin niya ang ilang kilalang personahe sa sports pati na rin ang mga lider at coach sa iba’t ibag sports association para alamin ang mga kakulangan at mga nararapat na isaayos para maituwid ang daan at direksiyon ng komunidad ng sports sa bansa.

“We will be meeting this week with key sports stakeholders, to define, pinpoint and address major issues in our sports,” sabi ni Ramirez.

Ilan sa nakatakdang makapulong ni Ramirez sina dating Pampanga Congressman Joseller “Yeng” Guiao, Lanao Del Norte Congresswoman Aaliyah Dimaporo, Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Chito Narvasa, Davao Del Norte representative antonio Del Rosario at mga sports committee chairman sa Senado at Kongreso.

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?

Kasama rin na pupulungin nina Ramirez at apat na commissioner ang mga opisyales ng NCAA at UAAP, CHED, DepEd, Philippine Air Force, DILG at DOH pati na rin mga athletic director ng iba’t-ibang unibersidad sa bansa.

“We will be asking what has the PSC done for our sports after 26 years?,” sabi ni Ramirez. “We really want to know if the PSC able to take the lead in the sports community,” aniya.

Sunod nitong isasagawa ang National Sports Consultative Meeting sa buong buwan ng Setyembre kung saan asam nito maitakda ang direksiyon ng ahensiya sa pakikipagpulong sa mga importanteng isyu sa Setyembre 3 hanggang 15 bago naman ihanda ang programa ng ahensiya sa Setyembre 15 hanggang 30. (Angie Oredo)