Boy  Abunda copy

“BAKIT ko kailangang magsalita? Alangan namang unahan ko pa ang ABS-CBN na hindi nga nagsasalita? Maging si Mr. Tony Tuviera hindi rin nagsasalita at si Kris (Aquino) ay wala ring sinasabi. Kaya wala rin akong sasabihin.”

Ito ang bungad paliwanag sa amin ni Boy Abunda nang i-text namin para hingan ng pahayag tungkol sa pagpapalit ng manager ng Queen of All Media.

Kahit na ibaling namin sa ibang anggulo ang tanong ay hindi pa rin namin napilit na magsalita si Kuya Boy dahil ayaw niyang pangunahan ang mga taong involved sa sinasabing paglipat ng kanyang kaibigan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero may nais lang klaruhin si Kuya Boy.

“Hindi ko lang maintindihan, Reggee kung saan nanggaling ang balitang nagtatampo raw ako. Bakit ko kailangang magtampo? Para saan?

“Malapit sa akin si Kris, malapit din sa inyo (Dindo at Reggee) si Kris, sa tingin mo may maniniwalang wala kayong alam o ako walang alam sa nangyayari? Of course not. (Wala po ako talagang alam, Kuya Boy, si Bossing DMB lang.)

“Definitely may alam ako kaya bakit ako magtatampo? Ang sa akin lang, ayaw kong magsalita at ayaw kong pangunahan ang mga bagay-bagay dahil hindi naman ako direktang involved d’yan.

“’Yun lang ang gusto kong iklaro, hindi ako nagtatampo dahil lahat ng desisyon ni Kris, alam ko at kinausap ako,” diin ni Kuya Boy.

(Editor’s note: Hala, may dapat din yata akong klaruhin? Limitado lang ang alam ko, lalo na ngayong napakatahimik na ni Kris.) (REGGEE BONOAN)