BOY ABUNDA copy copy

INIIWASAN ni Boy Abunda na magkomento hinggil sa kumakalat na kuwentong nagtatampo raw siya dahil hindi man lamang daw ipinaalam sa kanya ni Kris Aquino ang paglipat nito sa talent management firm ni Mr. Tony Tuviera.

Pero ayon sa isang taong malapit sa King of Talk na nakausap namin, malamang daw na umiiwas na lamang si Kuya Boy sa mga tanong para hindi na humaba pa at madamay pa sa sinasabing malaking desisyon ng Queen of All Media para sa kanyang career.

Banggit pa ng kausap namin, imposibleng magkatampuhan ang dalawa dahil lang sa isyung ito. Sa nakikita raw niyang closeness nina Kris at Boy, imposibleng hindi ikinonsulta ng una ang nasabing desisyon sa huli.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Parang umiiwas na lang si Kuya Boy. Pero sa totoo lang, eh, hindi naman siya nakikialam sa mga ganu’ng desisyon ni Kris. At sa totoo lang naman, eh, commercial endorsements lang naman ang mina-manage ni Kuya Boy kay Kris,” sey pa ng source namin.

Kinumpirma na kahapon ni Kris sa Balita na ang Triple A Talent management agency na talaga ang mangangasiwa sa career ni Kris Aquino at hindi na si Deo Endrinal na isa sa mga top guns ng ABS-CBN.

So, wala na talagang chance na magkasama uli sa isang show sina Kris at Kuya Boy?

“Malamang wala na, kasi nasa kabila na siya, he-he-he,” napatawang sagot ng kausap namin. (JIMI ESCALA)