ILANG buwan na palang hindi nakakapagbayad sa inuupahang condominium unit ang isang kilalang aktres.

Kaibigan namin na may kamag-anak na nakatira sa building ng condo complex na tirahan din ng aktres ang tumawag at nagtsika sa amin na ilang buwan ang atraso ng huli sa may-ari ng tinitirhang condo.

Sabi ng kausap namin, kung tagahanga raw siya ng nasabing aktres ay tiyak na mapapahiya rin siya dahil nakapaskil daw sa lobby ng building ang pangalan ng aktres na isa sa mga hindi nakakabayad ng upa.

Kung ilang beses na raw tinatawagan ng namamahala ng condo ang aktres. Pero mukhang nagtatago ito at sa ilang mensahe na ipinapadala ng may-ari sa cellphone ay walang natatanggap na kasagutan mula sa aktres.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon daw sa kamag-anak ng kaibigan namin, madalang na nilang makita sa condo ang aktres. Busy raw marahil ito sa mga ginagawang proyekto.

In fairness, sunud-sunod naman talaga ang projects ng aktres, huh!

“Nauuwi lang kasi sa bisyo niya ang mga kinikita niya. Parang nakikita ko na lalapit na naman ‘yan sa mga kaibigan niya at manghihiram ng pera na kunwari, eh, magpapagamot sa ibang bansa,” sey ng aming source. (Jimi Escala)