Walong bangka ng illegal fishing na mula sa Pilipinas ang pinalubog ng mga awtoridad ng Indonesia noong Lunes.
Pinasabog ang mga bangka sa baybayin ng mga probinsiya ng North Maluku at North Sulawesi upang bigyang-diin ang pagtugis sa ilegal na pangingisda sa pambansang araw ng Indonesia.
Tinatayang $25 billion bawat taon ang nawawala sa kapuluan ng Indonesia bawat taon dahil sa ilegal na pangingisda, ayon sa mga opisyal.
Mahigit 20 bangka ng mga banyagang nahuli sa Indonesia ang winasak simula 2014. (Reuters)