ROCCO AT SANYA copy copy

SA Facebook post ni Direk Mark Reyes tungkol sa Encantadia na, “The new love team is coming,” alam na ng Encantadiks

na ang tambalan nina Rocco Nacino bilang si Aquil at ni Sanya Lopez bilang si Danaya ang tinutukoy niya.

Excited na ang Encantadiks na mapanood kung paano magsisimula ang pag-iibigan ng dalawa.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Naaalala pa ng Encantadiks ang pag-iibigan nina Aquil at Danaya sa original na Encantadia na ginampanan nina Alfred Vargas at Diana Zubiri at kinikilig silang mapanood uli ‘yun na sina Rocco at Sanya na ang gumaganap.

Isa ang pag-iibigan nina Sang’gre Danaya at Aquil sa light at romantic moment sa fantaserye.

May mga Encantadiks na nga na sobrang advance mag-isip dahil gusto nilang maging love team for real din sina Rocco at Sanya. Pareho naman daw single ang dalawa, parehong beautiful people at they will make a lovely couple.

Sige nga, hintayin natin kung magkakadebelopan sina Rocco at Sanya at maging for real ang reel love team nila.

(NITZ MIRALLES)