NAG-BLUSH si Isabelle Daza nang humarap sa thanksgiving presscon ng Tubig at Langis nang biruin ni Direk Ruel S. Bayani na isa siya sa mga dahilan kung bakit magpapaalam na sa ere ang serye nila.

Ikakasal na kasi si Isabelle sa December sa kanyang Italian boyfriend.

Tinawanan lang ni Isabelle ang biro, pero kinumpirma niya na totoo ngang ikakasal na siya.

“Well, right now inaasikaso ko ‘yung papers kasi napakadaming requirements sa Italy so that’s what I’m busy with,” bungad ng dalaga,

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagamat abala siya sa preparasyon sa kanyang kasal, nagpapasalamat ang aktres na napaka-supportive sa kanya ng mga kasamahan niya sa trabaho.

“I feel good naman, a bit stressed but in fairness with the Tubig At Langis family they have been supportive to me,” pahayag ng aktres.

Malapit nang magpaalam sa ere ang Tubig at Langis at nangangako ang mga nasa likod ng programa na kaabang-abang ang natitirang huling apat na linggo nila.

“Alam mo, we gave a 110 percent dito sa huling linggo,” sabi ni Isabelle, “parang binigay na namin lahat. We are so passionate about this project and we’re so happy with the turnout at sa response ng mga tao. Talagang inaabangan nila.

“Minsan nasa parlor ako sinasabi nila, ‘Alam mo wala kaming client tuwing 4:15 kasi gusto namin lahat manood.’ Pati ‘yung mom ko, sinasabi niya, ‘Alam mo ‘yung mga friends ko they ask me ano ‘yung ending. So pati ‘yung friend ng mom ko so nakakakilig at nakakataba ng puso,” ani Isabelle.

Klinaro rin ni Isabelle na walang namamagitang isyu sa kanila ni Cristine Reyes sa set.  

“I guess, siyempre, laging may issue especially pagbida-kontrabida but Cristine and I have a good relationship. We’re not the best of friends like I don’t text her everyday pero ‘pag kailangan I do reach out to her. Pati siya she reaches out to me and I admire Cristine as an actress, ang dami kong natutunan sa kanya,” paliwanag ni Isabelle.