ENGAGED na si Adrienne Bailon kay Israel Houghton.
Inihayag ng co-host ng The Real noong Biyernes na inalok na siyang magpakasal ng kanyang boyfriend, at ipinakita ang mamahaling engagement ring sa social media.
Kudos kay Houghton sa pagpili ng pinaka-romantic na lugar para ialok ang kasal.
Nagbabakasyon ang magkasintahan sa Europe, at lumalabas na nag-propose si Houghton sa France. Ibinahagi ni Bailon, 32, ang video ng kanyang bagong diamond ring – na kumikinang tulad ng pagkinang ng nasa background na Eiffel Tower sa gabi.
Isinapubliko ng dating Cheetah Girl at ni Houghton ang kanilang relasyon noong Abril, ilang buwan matapos tuldukan ni Adrienne ang kanyang seven-month engagement kay Lenny Santiago, na nag-propose noong Pebrero 2015.
Sa mahabang post sa Instagram, ipinagtanggol ni Houghton ang kanyang fiancée laban sa mga kritisismo na kanilang hinarap sa unang bahagi ng kanilang relasyon. Noong Marso, inulan ng alegasyon ng pagtataksil si Houghton na nag-udyok para ipahayag na divorced na sila ng kanyang asawa sa loob ng 20 taon, isang buwan lamang bago sila nakuhanan ng litrato na magkasama sa Mexico. (People.com)