Mga Laro Ngayon (Philsports, Pasig)

10 n.u. -- EAC vs San Beda

12 n.t. -- NU vs La Salle

Ikatlong sunod na panalo ang puntiryang sagpangin ng National University sa pagsagupa sa De La Salle University sa pagpapatuloy ng Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference ngayon sa Philsports Arena sa Pasig.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Galing ang Bulldogs sa magkasunod na panalo kontra Far Eastern University at Philippine Merchant Marine School na kapwa nila ginapi sa loob ng straight sets.

Nahati naman ng Archers ang kanilang unang dalawang laro kontra St. Benilde na tinalo nila sa apat na set bago natalo sa reigning NCAA champion Perpetual Help Altas sa limang set.

Nakatuon ang depensa ng Bulldogs sa league leading scorer na si Raymatk Woo na may average na 25.5 puntos .

Samantala, magtutunggali ang Emilio Aguinaldo College at San Beda, kapwa wala pang naipapanalo matapos ang dalawang laro. - Marivic Awitan