Alden Maine Morocco copy

NAKABALIK na ng Pilipinas si Alden Richards mula sa photo shoot nila ni Maine Mendoza sa Morocco. Kung nahuling pumunta ng North African country si Alden, siya naman ang naunang bumalik. 

Naiwanan pa niya si Maine na may mga shoots pang tinapos. Nakunan ng litrato si Alden na malungkot na nag-iisa sa airport, hawak ang kanyang cellphone. Gusto man niyang mag-stay, kailangan na niyang bumalik nang mas maaga dahil marami pang trabahong naghihintay sa kanya.

Noong Sabado, nag-report na siya sa Eat Bulaga at sinamahan sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Jose Manalo) sa grand finals ng “Lola’s PlayList” na sinalihan ng mga batang (aged eight to twelve years old) na mahuhusay kumanta ng old songs, at ang judges ay pawang mahuhusay na singers. Hindi kapani-paniwala na kaya nang kumanta ang mga bata ng mga awiting sumikat noon pang 50’s, 60’s, 70’s, na usually ay natututuhan nila sa kanilang mga lolo at lola.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tumuloy si Alden sa big event ng Boardwalk sa Baliwag Gymnasium sa Bulacan na nagsimula ng 1:00 PM kasama ang iba pang endorsers ng clothing line pero sa finale na siya sumalang. Nakasama ni Alden sa show ang bagong sing and dance boy group ng GMA Network na One Up.

Nag-report na siya sa Sunday Pinasaya kahapon after two weeks na nag-tape lang siya ng segment niya. From SP, tumuloy na siya sa kanyang book launch at autograph signing sa Robinson’s Galleria Activity Center. 

Kagabi nakatakdang bumalik ng bansa si Maine from Morocco, pero hindi pa namin alam kung nasundo siya ni Alden sa airport.