Ni REGGEE BONOAN

Shintaro at Annette MUKHANG may katotohanan ang usap-usapan sa showbiz circle na ikakasal na raw sina GMA Films President Annette Gozon at Shintaro Valdes. Matagal na raw magkarelasyon ang dalawa.

Nagulat kami, Bossing DMB dahil ang pagkakaalam namin ay married na si Ms. Annette sa isang kapwa niya abogado.

Pero giit ng aming source, “Matagal na silang hiwalay, annulled na kaya nga ikakasal na sina Annette at Shintaro.”

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

May nagtsika sa amin na matagal nang magkarelasyon sina Shintaro at Annette na pareho namang single na dahil annulled na nga ang kasal ng huli sa asawa.

Nabanggit pa na hindi naman daw itinatago nina Annette at Shintaro ang kanilang relasyon dahil maraming litratong naka-post sa IG ng dating aktor na isa nang negosyante ngayon.

Kaya sinilip nga namin ang IG account ni Shintaro at bingo, marami silang kuhang magkasama ng GMA executive.

Dagdag pa ng aming source, “Bongga na si Shintaro ngayon dahil he’s into farming, malaki ang lupain niya na puro organic at may iba pang business. Hindi man siya nag-succeed as an actor, successful businessman naman siya kaya hindi naman siya alangan kay Annette.”

Hmmm, pa-set nga tayo ng interbyu kina Ms. Annette at Shintaro, Bossing DMB?