Ni NORA CALDERON

SA isang beach uli ang birthday treat ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, ang nakaugalian na nilang retreat tuwing kaarawan ng isa sa kanila simula noong magkasintahan pa lamang sila.

This time, sa Balesin Island sa Quezon Province nag-celebrate ng 32nd birthday si Marian. Doon napiling pumunta ng kanyang hubby noong August 12, sa birthday mismo ni Marian, kasama ang kani-kanyang pamilya. 

Nag-post si Dingdong sa Instagram ng picture ni Marian habang nilalaro sa beach ang anak nilang si Baby Zia with a caption na, “I just love how you age gracefully, Baby (tawag ni Dingdong kay Marian).  We are so lucky to have you in our lives.  Happy, happy birthday @therealmarian.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Last Friday, sa final episode ng talk show ni Marian na Yan Ang Morning, naging special guest niya si Dingdong. At kung dati ay si Marian ang nagluluto ng ipinatitikim niya sa mga bisita niya sa studio, this time si Dingdong, na mahusay ding magluto, ang nagluto ng paborito nitong sinigang na baboy na ang sabaw ay buko at may kasamang “gulay” na shredded buko rin.

Hindi naiwasang maging emosyonal si Marian nang tanungin ng asawa kung ano ang naging karanasan niya bilang host ng Yan Ang Morning.

“Ang dami kong natutunan sa show, ang dami kong naging kaibigan,” naiiyak na sagot ni Marian habang pinupunasan ni Dingdong ang luha niya.  “Nag-gain ako ng confidence sa sarili ko.  Doon ko nalaman na kapag mahal mo pala ang show, at may mga tao namang nagmamahal at  susuporta sa iyo, lalakas ang loob ko. Kaya labis-labis ang pasasalamt ko sa GMA na ipinaranas nila sa akin na makapag-host ng sariling show.”

Ang birthday wish ni Marian: “Iyong lalo pang gumanda ang aming pagsasama ni Dong sa piling ni Zia at ng magiging mga anak pa namin at iyong baby boy naman ang susunod naming magiging anak.”

This year, Marian dedicated her birthday sa ‘Smile Train’ na nagbibigay ng free cleft repair surgery, ang greatest gift that any child living with a cleft can receive.

Samantala, kahit balak mag-concentrate sa pag-aalaga kay Baby Zia ay hindi naman totally mawawala sa TV screen si Marian, dahil tuloy pa rin ang work niya sa Sunday Pinasaya at paminsan-minsan ay mapapanood pa rin siya sa Encantadia bilang si Ynang Reyna Minea at maggi-guest din siya sa ibang shows ng GMA 7.