MIGUEL copy

EXCITED ang Encantadiks sa balitang pagpasok sa Encantadia ng Mulawin gaya ng nangyari sa original airing ng fantaserye noong 2005 na nag-crossover ang mga Mulawin sa Encantadia.

Kaya nang i-post ni Direk Mark Reyes ang teaser na “Abangan sa #Encantadia2016” ang picture ng taong naka-costume ng Mulawin, nagkagulo na ang mga nagkokomento. Sumunod ang hulaan kung sino ang gaganap sa role ng Mulawin na papasok sa mundo ng Encantadia.

Nasagot ang pagtatanong ng Encantadiks nang mag-post si Miguel Tanfelix ng the same picture na ipinost ni Direk Mark, picture ng isang Mulawin at nilagyan ng caption na, “Ang kanyang muling paglipad.”

ALAMIN: Kung tuluyang mapatalsik ang bise presidente, sino ang papalit sa kaniya?

Si Miguel agad ang naisip ng netizens na nakasuot ng costume ng Mulawin lalo’t hindi rin naman niya itinanggi nang tanungin siya. Kung natatandaan ng Kapuso viewers, kasama si Miguel sa cast ng Mulawin at ginampanan niya noon ang role ni Pagaspas.

Sa isang interview, nabanggit niya ang pangarap niyang pagganap sa role ni Aguiluz sakaling i-remake ng GMA-7 ang fantaserye. Natupad ang pangarap niya sa pagpasok ng Mulawin sa Encantadia, pero siyempre, iba pa rin kung buong fantaseye ang kanyang gagawin at hindi part lang ng Encantadia.

Samantala, may mall show uli ang cast ng Encantadia bukas (August 14) sa Robinsons Place Dasmariñas, Cavite, 5 PM.

Darating sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla kasama sina Ruru Madrid, Kate Valdez, Mikee Quintos, James Teng at Buboy Villar.