ANGEL copy copy

IKINATUWA ng solid fans ni Angel Locsin ang pagdi-delete niya ng pictures ng ex-boyfriend na si Luis Manzano sa kanyang Instagram account. Sign of moving on daw ang ginawa ni Angel at tanggap nang hindi babalik sa kanya si Luis.

Ang wish ng mga nagmamalasakit na fans sa aktres, hindi na siya makipagbalikan kay Luis, kung halimbawang bumalik man ito sa kanya.

Wala na ngang picture ni Luis na naiwan sa IG ni Angel nang bumisita kami sa social media account niya. Ang pumalit ay solo pictures ng aktres na karamihan ay endorsements niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May picture rin sa IG ni Angel nang pumunta siya sa Cultural Center of the Philippines para suportahan ang gala premiere ng Mercury Is Mine na entry ni Direk Jason Laxamana sa 2016 Cinemalaya. Si Direk Jason ang director ng bagong Star Cinema movie ni Angel na Third Party with Zanjoe Marudo and Sam Milby.

Among the many pictures in Angel’s IG, isa sa nakakuha ng maraming likes ang family picture nila ng kanyang ama at relatives yata dahil ang caption niya ay “Familia.” Ang cute ng picture dahil pare-pareho silang naka-facial mask pati ang kanyang ama.

Ang isa pang wish ng fans ni Angel, sana ay hindi na siya magpasaring uli sa kanyang mga post sa IG para masabing tuluyan na niyang iniligwak sa kanyang puso at isipan si Luis.

May times kasi na nagpo-post si Angel ng mga quotation na parang parinig kina Luis at Jessy Mendiola na pinagsisimulan ng mga isyu ng fans ni Angel, fans ni Jessy at fans ni Luis. (NITZ MIRALLES)