sunshine copy

PALABAN talaga si Sunshine Dizon sa paghaharap nila ng ex-husband niyang si Timothy Tan at si Clarisma Sison, ang inakusahang third party sa kanila ng dating asawa sa preliminary investigation sa isinampa niyang Violence Against Women and Children laban sa dalawa.

Hindi siya umiyak, hindi nagsuot ng shades at nakipagtitigan kina Tim at Clarisma na dumating na parehong white ang suot at naka-shades. Pagkatapos ng hearing, saka lang nag-teary-eyed si Sunshine, habang ini-interview ng media.

“I’m getting emotional because of the pain that they caused my children. It’s not me anymore, kaya ko naman. ‘Yung sakit na dinanas ng mga anak ko ‘yun ang walang kapatawaran. Kahit bali-baligtarin niya ang mundo, sinira niya ang pamilya,” pahayag ni Sunshine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Winner din ang sinabi ni Sunshine na kung ibang tao siya, baka nasampal niya si Clarisma, pero hindi niya padadapuin ang kamay niya dahil ayaw niyang madumihan.

Dumating si Clarisma na may kasamang dalawang bodyguard na malaki ang naitulong dahil hindi siya nalapitan ng media para ma-interview. Ang dalawang bodyguard ang nagtaboy sa TV reporters na nagpilit ma-interview si Clarisma.

Nagulat siguro si Tim nang makita si Sunshine dahil ang laki na nang ipinayat. Mula sa 37 inches waistline, 27 na lang ang waistline ng aktres at mas gumanda ito dahil wala na sigurong stress.

Dumadaan si Sunshine sa Exilis at Vcontour treatment sa Belo Medical at naggi-gym pa kaya, mabilis ang pagpayat.

Sa pagbabalik ng karakter niyang si Adhara sa Encantadia, tiyak na mapapansin ng viewers na pumayat siya.

Mamumrublema ang wardrobe sa taping dahil tiyak na maluwag na ang costume ng aktres?

Excited na ang fans at Encantadiks sa pagbabalik ni Adhara na isa sa mga kontrabida ng fantaserye at magdudulot ng gulo sa mga Sang’gre. (NITZ MIRALLES)