Tampok ang pinakamahuhusay na collegiate player ng NCAA, sa pangunguna nina Jiovani Jalalon ng Arellano University at Rey Nambatac ng Letran, para sa All-Stars event ngayon sa San Juan Arena.

Si Jalalon, nangunguna sa statistical race para sa MVP award, ang gagabay sa West All Star ni coach Jamike Jarin ng San Beda College.

Makakasama niya sina Arellano teammate Kent Salado at Julius Cadavis,Bright Akhuetie, AJ Coronel, at Gab Dagangon ng University of Perpetual Help at sina Davon Potts, Dan Sara at Donald Tankoua ng San Beda.

Kabilang din sa West Team sina Teytey Teodoro, Paolo Pontejos at Ervin Gorospe ng Jose Rizal University at Michael Calisaan, Ryan Costelo at Jerick Fabian ng San Sebastian College.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa kampo ng East, makakasama ni Nambatac ang kapwa Knights na sina McJour Luib at Jomari Sollano, Darell Menina, Andrew Estrella at Exie Biteng ng Mapua, Ian Alban, MJ Ayaay at Wilson Baltazar ng Lyceum, Jorem Morada, Francis Munsayac at Sidney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College at sina JJ Domingo, Yankie Haruna at Christian Fajarito ng College of St.Benilde.

Nagwagi noong nakaraang taon ang West All-Star sa pangunguna nina dating St. Benilde standout Jonathan Grey at dating Letran star Mark Cruz, 89-88.

"It will be more exciting this year," pahayag ni NCAA Management Committee chairman Jose Mari Lacson ng Season 92 host San Beda.

Mapapanood ang aksiyon sa ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)