PINASALAMATAN na ni Ms. Wilma Galvante (WG) ang lahat ng staff na nakatrabaho niya sa mga naging programa niya sa TV5.

Matatandaang ipinatapos na lang ng TV5 management ang programa ni WG lalo na ang Happynas Happy Hour na halos lahat ng mga artistang kasama ay nakakontrata sa Kapatid Network.

Nakakuha kami ng kopya ng sulat ni WG sa mga pinadalhan niya at ito ang nilalaman:

“Greetings! On behalf of the team behind Happy Truck ng Bayan that became Happy Truck Happinas, which became Happynas Happy Hour, let me thank you for this show.

Tsika at Intriga

John Arcilla, ayaw manghusga; nabastusan sa sarili nang makabasa ng private convo

“From its inception during our Six Thinking Hats workshop, this concept took quite a journey - from game, to variety to adult comedy, from day time to prime time - we’ve steered it every which way we could. I have not encountered such resiliency in a show as Happy Truck ng Bayan and the way it has morphed.

“It has, indeed, worn many hats. Now, the signs could be pointing to exaggerated humor through satire - very timely in the context of current events and comical issues.

“Another thinking hat perhaps for the witty guys in News this time. HappyNuts Happy Hour, late night. I pray that you succeed in all your plans for TV5, moving forward. You will always have our continued support.

“Again, from the happy peeps of HHH, maraming salamat! Wilma.”

Maraming staff ng programa na nalungkot dahil wala namang trabahong malilipatan ang iba bukod pa sa walang opening sa TV5.

Nabanggit sa amin ng mismong taga-TV5 na, “Mas concentrated kasi talaga ang management sa news and sports programs nila kasi mas kumikita talaga at mas pinapanood. May mga investor na kausap ang management kaya let’s wait and see na lang kung anong mangyayari sa entertainment department kung magpo-produce pa sila ng show.”

Tuluyan na kasing humina talaga ang entertainment ng TV5 dahil wala na silang mga artista. (Reggee Bonoan)