Alden Maine - Casablanca copy

ISANG pasasalamat para sa AlDub Nation at sa moviegoers na tumangkilik sa first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza ang ipinost ni Direk Mike Tuviera sa kanyang Instagram account.

“Tonight (August 9) Imagine You & Me ends its local theatrical run (four weeks). This experience has been an absolute dream come true for me, an absolute blessing,” saad ni Direk Mike.

Kasama sa pasasalamat niya ang final scene na nag-kiss finally sina Andrew (Alden) at Gara (Maine) at ang hashtag na #ALDUBAng Pahintulot dahil pinahintulutan na ng production ang mga nanood na mag-post ng mga eksenang gusto nila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kasama na rin sa post ni Direk Mike ang pag-congratulate sa kanya at sa buong production staff ng netizens sa pagbibigay sa kanila ng isang magandang pelikula.

Ayon kay @mig juatco – usually a movie was being acknowledged by patronizing it, that’s all. Now lang ako naka-witness ng movie na pinatronized na, watched several times, posted the best part of the whole staff because of the happiness it brought to millions! Truly this was a phenomenal hit and Alden and Maine was a phenomenal box office king and queen! We all hope for another movie! Can’t get enough of them! Congratulations Imagine You & Me for the phenomenal ending of the phenomenal movie of the year!”

Isa pang comment: “To repeat that kiss but this time in front of the altar wearing their wedding outfits.”

Kuwento ni Direk Mike noon, take seven ang nasabing kissing scene na para raw hindi ma-conscious sina Alden at Maine, dahil tourist spot ang bahay ni Juliet (ng Romeo & Juliet) sa Verona na napakaraming turista ang pumupunta, kinailangan nilang isara ang lugar at walang pinapasok na turista.

Ang mga taong nakita na parang iniistorbo sina Andrew at Gara sa pagpapa-picture sa statue ni Juliet at ang mga nanood sa kanila habang ginagawa ang kissing scene, ay pawang paid Italian talents.

Ngayon naman ay may request ang AlDub Nation na i-release na ang DVD ng movie. Mukhang hindi raw naman nagtagumpay ang mga pirata dahil halos walang bumili kasi nga naman, wala raw maririnig sa pirated DVDs kundi tilian ng mga manonood. Tiyak din naming iri-release na ng production ang DVD dahil magtatapos na rin ang international screening ng movie sa Linggo, August 14. At ayon mismo kay Direk Mike, siguruhing kumuha ng copy nito dahil isinama niya ang behind-the-scenes at kung paano nila kinunan ang movie sa Italy.

Samantala, nasa Morocco na sina Alden at Maine para sa isang magazine photo shoot. Nagkakatanungan sa Aldub Nation kung bakit hindi sila sabay pumunta at magkaiba ng sinakyang aircraft papunta sa nasabing bansa? Magkaiba rin ang oras ng pag-alis nila ng Pilipinas. Totoo kayang may mga ipinagbabawal ang Morocco sa mga babae at lalaki na pumupunta roon? May nag-tweet kasing since nasa Muslim territory, bawal daw magpakita ng PDA (public display of affection) kung hindi pa mag-asawa ang babae at lalaki. May nagsabi namang exempted sa ganoong rules ang mga turista.

Hindi po namin alam ang rules and regulations doon pero kung sakaling pupunta kayo ng Morocco, mas mabuting alamin muna ninyo kung may ganoon ngang bawal-bawal doon.

Anyways, pagdating na magkahiwalay sa airport nina Alden at Maine (na kasama ang mommy niyang si Mary Ann Mendoza), nagsimula na agad ang shoot. Mukha namang malilibre sa todong-sikat ng araw sina Alden at Maine, dahil indoors ang mga shoot nila sa Casablanca na kilala sa 1942 Humphrey Bogart movie of the same title. (NORA CALDERON)