ALDEN copy copy

AS of press time ay posible palang si Alden Richards pa rin ang maging leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng koreanovelang My Love From The Star, sabi mismo ng source namin sa GMA-7.

Sure na sure nang si Jennylyn ang gaganap bilang ang artistang si Steffi Cheon (Jun Ji-hyun), kaya nga raw tini-train na ang aktres ni Jonas Gaffud, kilalang manager ng mga beauty queen.

“Actually, me posibilidad pa, kasi as of now walang makita ang GMA na puwedeng ipalit kay Alden kasi bagay kay Alden ‘yung role niya bilang si Do Min-joon,” sabi ng kausap naming taga-GMA.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Malalaman pa sa October, doon magkakaroon ng final arrangement kaya as of now, hindi pa inaalis si Alden sa choice bilang leading man.”

Binanggit namin ang lumabas na isyung hindi na matutuloy sa My Love From The Star si Alden dahil nga kailangang si Maine Mendoza pa rin ang leading lady niya sa magiging follow-up project sa box office hit movie nilang Imagine You & Me.

“Exactly, kasi nga iyon ang gusto ng APT (Entertainment). This is GMA-7 produced, and Alden is a GMA talent and si Jen din, GMA rin,” malaman na sagot sa amin.

Bakit hindi na lang isama si Maine sa My Love From The Star at saka lagyan ng twist ang istorya para parehong mag-benefit ang fans ng tatlong artista? (Reggee Bonoan)