TARLAC CITY - Inihayag ni Angeles City, Pampanga Mayor Edgardo Pamintuan na nagbukas na sa siyudad ang unang Technology for Education, to gain Employment, train Entrepreneurs towards Economic Development (Tech4ED Center).

Aniya, ang Tech4Ed ay isinakatuparan sa tulong ng Department of Science and Technology (DoST).

Matatagpuan sa Angeles City Library, alok nito ang e-GovServ para sa mga transaksiyon sa gobyerno, e-EduSkills para sa learning on-demand kabilang na ang Alternative Learning System, at e-Assist na nakatuon naman sa digital at financial literacy, ayon kay Pamintuan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog