Suportado ng majority bloc sa Mababang Kapulungan ang mandatory drug tests para sa lahat ng kongresista, bilang suporta sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Payag sa drug test sina Deputy Speakers Mercedes Alvarez (NPC, Negros Occidental); Eric Singson (PDP-Laban, Ilocos Sur); Fred Castro (NUP, Capiz) at Miro Quimbo (LP, Marikina City).

“Speaker (Pantaleon) Alvarez has declared he supports proposals that everybody must undergo drug test,” ani Quimbo.

Magugunitang ilang kongresista ang nakasama sa drug list ni Pangulong Duterte, ngunit agad naman nilang pinabulaanan ang pagkakasangkot sa droga.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“I was hastily condemned and summarily executed in the bar of public opinion even before I was given the opportunity to be heard,” ayon kay dating Rep. JC Rahman Nava ng Guimaras. Si Nava ay pinalitan sa pwesto ng kanyang asawang si Lucille.

Napangalanan din sina Pangasinan Rep. Jesus “Boying”Celeste at dating Surigao del Norte Rep. Guillermo Romarate na nagsabing inosente ang mga ito. - Ben R. Rosario