James at Nadine copy

FINALLY ay miyembro na rin ng Bench family sina James Reid at Nadine Lustre.

Congrats kay Ben Chan, owner ng Bench, na nakuha niyang maging endorsers ng kanyang Bench products ang tatlong pinakasikat na loveteam sa showbiz world ngayon -- sina KathNiel, AlDub at JaDine. 

Bongga! Di ba naman, Mr. Jojo Liamson na right hand ni longtime friendship B.C.? ‘Yun na!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nito lang nakaraang Sabado night ay inilunsad sa SM MOA ang #JaDineLovesBench, #BenchEveryday.

Sumayaw at kumanta ang dalawang superstars ng Viva Artist Agency at naghiyawan ang napakaraming fans nila na nanood sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

In pernes, ang sexy nilang sumayaw at magdala ng hapit na Bench Jeans, lalo na si James Reid na hiyawan talaga ang fans nang bahagyang itaas ang kanyang suot na polo.

Sus, kahit super trapik at super lakas ng ulan last Sabado night ay talagang dinayo at dinumog sila ng JaDine fanatics.

Ano kaya kung pagsama-samahin ng Bench sa isang event ang tatlong super sikat na showbiz love team ng ‘Pinas?

Well, aabangan natin ‘yan, okidoki? 

Tiyak na malalaman natin kung sino sa tatlong love teams ang may pinakamaraming fans na magtitilian. ‘Yun nga lang, big risk para sa Bench family if ever.

But, sabi nga, if there’s a will, there’s a way, boom, pasok! (MERCY LEJARDE)