MUKHANG may panibagong Swift na naman na gumagawa ng pangalan sa Hollywood!

Taylor at Austin copyGaganap ang nakababatang kapatid ni Taylor Swift na si Austin Swift sa ipalalabas na thriller movie na I.T, na pinagbibidahan ni Pierce Brosnan.

Siyempre pa, hindi maiwasang maging proud ng 26-year-old na singer para sa kapatid.

“My brother @austinkingsleyswift just acted in his first movie and I’m all proud and stuff,” sabi niya sa isang post noong Setyembre na may kasamang litrato ni Austin sa isang eksena.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Umiikot ang pelikula sa isang I.T. consultant na naging hacker (James Frecheville) na sinira ang buhay ng isang mayaman na negosyante, na ginampanan ni Brosnan.

Habang wala pang detalye tungkol sa role ni Austin, makikita siya sa trailer ng pelikula.

Mapapanood ang I.T sa mga sinehan sa Setyembre 23.

Malinaw na close ang 24-year-old at ang kanyang sikat na kapatid, at sinusuportahan ang isa’t isa sa hirap at ginhawa.

Nitong nakaraang buwan, tumugon si Austin sa Famous lyrics ni Kanye West na tungkol kay Taylor sa pamamagitan ng pagtatapon ng kanyang Yeezy sneakers. - ET Online