Isinulat at larawang kuha ni DAISY LOU C. TALAMPAS
TATLONG taon makalipas ang naranasang malakas na lindol sa Bohol, sa pamamagitan ng ibayong pagsisikap ng lokal na pamahalaan at ng mga residente, ang first income class island province ay muling bumangon, sumigla, at bumalik ang mga turista.
Sakay ng aming favorite Philippine Airlines, makaraan ang isang oras na maginhawang pagbiyahe, ako at ang aking pamilya ay sinalubong ng representative ng Bellevue Resort na aming tinuluyan. Maganda, malinis, masarap, magalang -- ito ang mga katangian ng Bellevue Resort Hotel 5-star accommodation at ipinagmamalaki ng Bohol.
Hindi lamang water activities ang dinarayo sa Bohol. Educational ang tour. Kahanga-hanga ang Chocolate Hills na mag-iisip ka kung paano ito ginawa, o ano kaya ang nangyari noon sapagkat tunay na kamangha-mamangha ang wari’y pinagsunod-sunod na mga bundok. Ang mga cute na tarsier na patuloy na pinangangalagaan ay nakaaaliw pagmasdan bagamat nakakaawa rin naman dahil sila ay nagagambala sa kanilang pamamahinga sa araw. Tanyag din ang Sikatuna Blood Compact Shrine na isa sa bumuo ng kasaysayan ng isla.
Hindi rin kumpleto ang pamamasyal sa Bohol kung wala kang picture sa simbahan ng Baclayon sapagkat ito ang pangalawang pinakamatanda sa buong Pilipinas. Ang aking pamilya ay frequent traveler at sa bawat biyahe kailangang magawa namin ang ispiritual na obligasyon gaya ng pagbisita sa mga simbahan, at nakatutuwang malaman na ang mga sasakyang pampubliko sa Bohol ay may mga Biblical messages lahat.
Masarap na tanghalian naman ang nakahain sa mga floating restaurant sa malalaking bangka habang bumabaybay sa Loboc River at sa saliw ng musika ng singers ng river cruise. Nakakaaliw rin ang mga sayaw at awit ng mga Boholanon na nag-aabang sa istasyon ng ilog kaya ang mga turista ay sadyang bumababa ng bangka upang makisayaw ng Tinikling.
Kung ang Davao ay may Duterte, ipinagmamalaki naman ng Bohol ang ika-4 na Philippine president na sa kanila nagmula -- si President Carlos P. Garcia.
Halos lahat ng magagandang beaches, resort ay nabisita na namin ngunit iba nga ang Bohol. Mula pagdating hanggang sa pag-uwi ng kanyang panauhin ay sinisigurado ang kasiyahan at kaginhawahan. Sa departure area ng Tagbilaran airport ay umaawit ang mga bulag (PWDs) habang naghihintay ang mga pasahero. Ang kanilang awiting “Balik-balik Bohol” ay tunay ngang nag-aalok. Babalik-balikan mong talaga ang beautiful Bohol.