Ni HELEN WONG

LILIA CUNTAPAY HUMIHINGI ng tulong sa publiko para sa kanyang medical assistance ang tinaguriang Horror Queen ng Philippine entertainment industry.

Unang nakilala si Lilia Cuntapay, 81 anyos, sa pelikulang Shake, Rattle and Roll.

“Kung nakikinig man ang mga concerned citizens, director, co-workers, wala na ako sa showbiz dahil may sakit ako,” sabi ni Ms. Cuntapay, na hirap sa pagsasalita.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kung mahal n’yo pa ako, any help will do,” dagdag pa niya.

Inilabas ang video ng aktres sa official Facebook page ng Cagayan Provincial Information Office kasama ang press release ng kanyang kondisyon.

Ayon sa report, hindi nakalalakad si Ms. Cuntapay mula pa noong Hulyo 5 dahil sa pananakit ng kanyang likod at hindi na rin makapagtrabaho dahil sa sakit, dahilan ng kanyang pamumrublema para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan at pambili ng gamot.

Nananatiling positibo si Cuntapay sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, ngunit ayon sa mga paramedic ay sensitibo ang kanyang kondisyon.

Dinala siya ng Task Force Lingkod Cagayan sa Gonzaga, Cagayan noong Agosto 3.